Pc/Desktop o Laptop na pwede lagyan ng sim card? May naimbento na bang ganyan? Hindi ba ang cp ngayon ay parang pc na? Smart phones kung tawagin. Eh ang pc kaya pwede na din gawing cp ngayon?
Oo nga pwede mo connect sa usb ang cp mo at magmumukha na din cp ang pc. Pero hindi iyon ang gusto ko.
May mga extra sim card kasi ako dito. 2 globe at 1 TM. Globe lang talaga dapat ang extra, pang share-a-load ko kasi, bihira ako magtext at magload, kapag importante lang kaya siguradong may matitira sa load na maeexpire. Kaya pag medyo malaki pa load pinapasa ko para may magamit pa sa susunod. Lagi kasi nasasayang load ko dati naeexpired lang!
Kaya naman ako bumili ng TM dahil sa murang 2 days unlitxt.
Ayun.. tapos lagi ako nakaharap sa pc.. kaya naisip ko lang na sana pwede din gawing cp ang pc.. may nakita ako sa cdrking kaso sim card reader lang, hindi marereceive ang text dahil hindi pa rin nakasaksak sa cp..
Sana gumawa din sila ng ganoon..
No comments:
Post a Comment