Friday, February 17, 2012

Ilang reward points makukuha every load mo sa Globe/TM?

Ilang reward points nakukuha sa pag load ng 10 o 20 o 50 o 100 pesos sa Globe/TM?

EDIT (June 6, 2013):
Tumawag ako sa Globe, 4% daw sa ngayon.
Sa 500 load, may 20 reward points. Sa 300 load, may 12 points.
Hindi daw niya alam sa TM.
Kapag tatawag naman sa TM wala nang CSR na makakausap pero napansin ko nung nagload ako sa TM 4% din.


February 17, 2012:

Hindi man lang nilagay sa website ng Globe/TM.
Wala din ako makita sa ibang site o forum.

Lahat sabi sabi lang. May nagsabi 10%, yung isa naman 12% daw (sa Globe prepaid).

Hindi ko naman napapansin kung ilang points nakukuha ko sa Globe prepaid sim ko dahil bihira ako magload. At may bayad ng piso pagcheck ng balance sa points. Dati naman wala e tsk tsk.

Bumili ako ng TM sim sinubukan ko kasi mukhang mas tipid mag sulitxt. Napansin ko ng niloadan ko ng 50 pesos nagkaroon ako ng 2.75 reward points. Ang baba naman pala. Siguro dahil TM sim lang siya, mas tipid mga sulitxt at unlitxt kaya kuripot sa points. Pati pala mga rewards na makukuha hindi din kasing ganda ng sa Globe. Walang Jollibee, Greenwich, Red Ribbon, Mang Inasal.

Eto pala free msg ng TM after 3 days kong magload ng 50 pesos:

TM ASTIG REWARDS: As of 02/13/2012, may 2.75 points ka na. Redeem rewards now! Txt ITEMS to 4438 to check the rewards u can get.

No comments:

Post a Comment