Wednesday, February 22, 2012

Down ang Globe

2 araw palang nagloko ang Globe, Feb. 20, 2012 at Feb. 21, 2012 (kahapon).

Nung Feb. 20, kinain ang last na pisong load ng friend ko pagkatapos niyang ilagay sa isang cellphone ang sim card niya. Akala ata niya dahil sa cellphone kaya kinain. Kasi ibinalik ata niya sa lumang cellphone ang sim card. LOL!
Hinayaan na lang niya ang nawalang piso at nagload ulit siya ng 15 pesos at inilipat ulit niya ang sim doon sa isang cellphone. Kinain na naman daw ang load niya!

Sabi ko itawag mo sa Globe! Nilagay ko din naman ang sim ko dyan hindi naman kinain ang load ko!

Itinawag na din pala niya sa Globe. Hindi daw siya magagawan ng report dahil down ang server ng globe!

Feb. 21 ng umaga, tumawag ulit siya gamit ang cellphone ng kuya niya. Hindi na siya nag load nghihinayang at nagtitipid siya. Nagawan siya ng report at nabigyan ng report #.

Tumawag ulit siya ng lunch time para iverify at sabihin na doon sa cellphone # niya ibalik ang load baka daw kasi sa kuya niya mabigay. Ang sabi sa kanya ay wala daw natanggap na ganoong report at tawag na lang daw siya ulit dahil hindi makagawa ng bagong report # (siguro nga kasi down kaya hindi niya makita report #)

Hindi na siya makatawag nung hapon at gabi kasi busy na. Ang dami na daw calls na natatanggap ng Globe kaya hindi siya makaconnect.

Buti naman at kanina daw ay naibalik na ang load niya.

No comments:

Post a Comment